30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

 P12 na dagdag pasahe sa jeep inihihirit ng mga transport group

- Advertisement -

Inihirit na ng mga transport group na itaas sa P12 mula sa kasalukuyang P10 ang pasahe sa jeep.

Ito, ayon kay Pasang Masda President Robert Martin, ay bilang tugon sa ikapitong sunod na linggong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Maghahain anya silang mga transport group ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw upang hilingin ang fare increase.

Handa rin naman silang magbaba ng pasahe o magpatupad ng fare reduction kung bababa ang presyo ng diesel.

Sa ngayon ay nasa P60 na ang presyo ng kada litro ng gasolina, P47 ang diesel na ginagamit sa mga jeep.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -