OWWA naglunsad ng bagong hotline

0
45

Inilunsad ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration ang kanilang bagong hotline para sa mas mabilis na pagtugon sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong.

Ito ang hotline 1348 na bukas ng 24 oras para sa mga distressed OFWs.

Kung nasa labas naman ng Metro Manila, maaaring i-dial ang 02-1348 at kung international calls ay 0632 – 1348.

Umaasa ang OWWA na malaki ang magiging pakinabang ng kanilang bagong hotline para sa mas mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga OFWs na nasa gitna ng panganib.