30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

‘Overpricing’, ‘hoarding’ sa gitna ng banta ng COVID-19 ipinarereport sa NBI

- Advertisement -

Hinimok ng National Bureau Of Investigation (NBI) ang publiko na ireport sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng pang-aabuso sa gitna ng umiiral na Luzon-wide community quarantine.

Partikular na tinukoy ng NBI ang overpricing o hoarding ng mga produktong kailangang-kailangan ngayon bilang panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gaya ng face masks at alcohol.

Ayon sa NBI, kanilang iimbestigahan ang mga matatanggap na reports hinggil dito.

Para sa reklamo o sumbong, maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0966 472 3056 para sa Globe, 0961 734 9450 naman sa Smart, 0975 153 9146 para sa regional at 028 5240 237 naman sa landline.

Posible namang masampahan ng kaso ang sinumang mapatutunayang sangkot sa anumang uri ng pang-aabuso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -