#OustDuterteNow nag-trending sa buong mundo

0
33

Nagtrending sa twitter sa buong mundo ang panawagang hashtag #OustDutertenow, nakaraang gabi dakong 10:00.

Ito ay matapos na hindi nagustuhan ng karamihan ang naging sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead” o pag-atas sa mga pulis at militar na pagbaril at pagpatay sa mga makakaliwang grupo na nagdudulot umano ng gulo at naglalagay rin sa alanganin sa mga buhay ng pulis at sundalo.

Magugunita kasing nauwi sa gulo sa Quezon City ang pagrarally at pagrereklamo ng mga residente dito dahil wala umano silang nakukuhang ayuda mula sa gobyerno.

Samantala, sinundan pa ito ng galit ng ilang mga Pilipino dahil sa pagpapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto para pagpaliwanagin sa diumano’y paglabag nito sa Bayanihan To Heal As One Act.

Sa kabila nito, nanguna naman na nag-trending sa bansa ang #IStandWithThePresident at sinundan ito ng #DutertePaRin.

Sa ngayon nananatili parin ang mga sumusuporta sa Pangulo at naniniwalang masosolusyonan nito ang pandemya na kumakalat sa bansa na COVID-19.