Friday, May 3, 2024

Organizing Committee ng SEA Games naglabas ng pahayag sa aberyang kinakaharap

- Advertisement -

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa delegasyon ng mga bansang Timor-Leste, Myanmar at Cambodia.

Ito’y makaraang mapaulat ang pagtulog umano sa carpet ng paliparan ng mga atleta ng Myanmar at Cambodia dahil sa kawalan ng sasakyan na susundo sa kanila.

Gayundin ang kinaharap na aberya ng mga delegado ng Timor-Leste dahil sa maling hotel na napagdalhan sa kanila.

Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, dahil sa mga kapalpakan ng origanizing committee ng SEA Games, hindi na nakapag-practice ang mga atleta ng nabanggit na mga bansa.

Dahil dito, tiniyak ni Suzara na bibigyan ng komportable at maayos na accomodation ang mga naturang atleta.

Mula aniya sa 75 international arrivals na ang naitala sa Pilipinas, sinabi ni Suzara na tanging 3 lamang sa mga ito ang nakaranas ng aberya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img