Oras-oras na misa sa Quiapo Chirch umarangkada na

0
15

Umarangkada na ang oras-oras na misa sa Quiapo Church para sa Traslacion ng Itim na Nazareno, ngayong Huwebes, ika-9 ng Enero.

Ganap na alas-3 ng madaling nagsimula ang misa at tatagal ito hanggang alas-12:15 ng tanghali at magkakaroon muli ng alas-3 ng hapon hanggang alas-12ng hating gabi ng Biyernes, ika-10 ng Enero.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Fernando Carpio ang misa kaninang alas-3 ng madaling araw.

Samantala, pasado alas-4 ng madaling araw ganap na nagsimula ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.