Oplan Balik Eskwela 2019 inilunsad ng DepEd

0
69

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela (OBE) bilang bahagi ng paghahanda sa pasukan sa Lunes.

Nakapaloob dito ang pagbuhay sa inter-agency task force na syang magbabantay upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan.

Ang inter-agency task force ay binubuo ng DepEd, Department of Energy, DILG, Department of Health, Department of National Defense, DPWH, DSWD, DTI, Meralco, MWSS, MMDA, PAGASA at PNP.

Kasabay ng paglulunsad sa OBE ang pagbubukas ng OBE information and action center sa bulwagan ng karunungan ng DepEd na syang tatanggap ng reklamo at tanong hinggil sa pagbubukas ng klase.