33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Operasyon Ng PSO Sa Pagpapatupad Ng “Health Protocols” Sa Buhi

- Advertisement -

Tuluy tuloy ang operasyon ng Public Safety Office (PSO) Buhi sa pagpapatupad ng mga health protocols laban sa Covid-19. Pinangunahan ni Venerando Claveria, public safety officer, ang mga operasyon sa bayan ng Buhi simula pa noong nakaraang araw.

Araw at gabing umiikot ang PSO sa iba’t ibang barangay para manita o kaya’t magbigay ng ticket sa mga lumalabag sa mga itinakdang health protocols katulad ng pagsuot ng face mask at mass gathering. Mahigpit ding ipinapatupad ng nasabing opisina ang liquor ban at curfew hours sa bayan ng Buhi.

“Random” ang oras at lugar kung saan pupwesto o bibisita ang PSO kaya pinapayuhan ang lahat na sumunod sa mga health protocols lalong lalo na kapag sa labas ng bahay katulad ng pagsuot ng face mask, bawal na pagdura sa pampublikong lugar, pag-inom ng alak, mass gatherings, at iba pa.

(Source: LGU Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -