35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Operasyon ng MRT balik na sa normal matapos magkaaberya kanina

- Advertisement -

Balik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 matapos magpatupad ng provisional service kung saan nilimitahan lamang ang biyahe ng mga tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station kaninang umaga.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, may nakita silang problema sa overhead catenary system na may kinalaman sa linya ng kuryente sa bahagi ng Guadalupe Station.

Aniya, kinailangan lamang nilang muling suriin ang nasabing problema para hindi malagay sa alanganin ang kaligatasan ng mga mananakay ng MRT.

Tumagal ng halos tatlumpung (30) minuto ang ipinatupad na provisional service at nagbalik normal din ang operasyon kaninang alas-5:55 ng umaga.

“Sa gabi pa lang chine-check natin ‘yan after the revenue hours kaya lang bandang 5:00 am may na-check ‘yung technicians natin na hindi tumutuloy ang power so minabuti natin na i-check siya because number one para sa safety ng mga passenger so nakita ‘yan minabuti muna nating i-check bago patakbuhin ang tren.” Pahayag ni Capati

 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -