31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Operasyon laban sa mga iligal na ‘wang-wang’ at blinkers mas pinaigting

- Advertisement -

Pina-igting pa ng Highway Patrol Group (HPG) ang kanilang operasyon laban sa mga gumagamit ng ‘wang wang’ at blinkers sa buong kapuluan.

Kasunod ito ng direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police Director General Oscar Albayalde na buhayin ang kampanya laban sa mga gumagamit ng wang-wang at blinkers.

Ayon kay Police Brigadier General Robert Fajardo, hepe ng PNP-HPG, hindi naman sila tumigil sa kanilang operasyon dahil bawal talaga sa ilalim ng PD-96 ang paggamit ng sirena at blinkers.

Sinabi ni Fajardo na mahigpit ang direktiba niya sa lahat ng miyembro ng HPG na agad kumpiskahin ang illegal attachments na ito ng sasakyan kapag nahuli.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -