Online bentahan ng antibiotics at steroids pinaiimbestigahan — DOH

0
45

Pinaiimbestigahan ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) ang umano’y online na bentahan ng mga antibiotic at steroids.

Binigyang diin ng DOH na kailangang may prescription o reseta mula sa doktor ang sinumang bibili ng mga nasabing gamot na tanging sa botika lamang dapat bilhin.

Nabatid na nagbebenta ang isang online shopping website ng antibiotics at steroids.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag bibili ng mga gamot sa mga website o sa online dahil maaaring hindi aprubado ng FDA ang mga gamot at hindi sigurado kung lehitimo ang mga ito.

Naglabas na rin ng advisory ang FDA na pirmado ni Health undersecretary at FDA OIC Eric Domingo kung saan binalaan ang publiko laban sa internet sales and access ng mga gamot.

Maaaring may health risk ang mga gamot na nabibili lamang online lalo na kung hindi nagagamit o naitatago sa maayos na paraan at ipinagbabawal sa bana ang online selling ng mga gamot.