Radio Philippines Network
DXKS Surigao News Provincial News

Oiler Na Si Jose Sherwin T. Laniba Inilibing Na Sa Calbayog City Memorial Park Noong Sabado

Si Laniba ang kasama ni Apprentice Mate John Renzo Guanzon kung saan noong Martes, Abril 20, 2021 ng umaga, nagamit pa ang kanyang cellphone para makatawag at humingi ng tulong sa opisina ng may-ari ng LCT Cebu Great Ocean.

Hindi na sila naka follow up sa paghingi ng tulong dahil basa at nasira na ang kanyang phone. Gabi ng Martes binawian siya ng buhay kasama ang Chief Engineer na si Michael Inoc. Miyerkules Abril 21, 2021 ng umaga nakita siya na wala ng buhay at hubad ang katawan na natabunan ng mga graba sa dalampasigan ng Brgy. Jubgan, San Francisco.

Ayon kay 2nd Engr. Junmar Galeos, siya at si Felipe Quebuen, Michael Inoc at Butz Laniba ay magkakasama hanggang sa hiniwalay sila sa naglalakihang alon bago nakarating sa dalampasigan. Martes ng tanghali unang binawian ng buhay si Engr. Inoc habang nasa laot pa sila at sumunod namang namatay si Laniba sa gabi ng araw na iyon. Kinaya niyang hilahin ang dalawang kasama na bangkay na hanggang sa umaga ng Miyerkules natagpuan sila ng mga taga Jubgan sa dalampasigan. Dinala si Galeos sa Malimono District Hospital at inihatid naman ng ambulansiya si Quebuen sa Caraga Regional Hospital.

Sa ngayon, pito pa rin ang nawawalang tripolante ng LCT Cebu Great Ocean na sina Capt. Mario Palacio, Oiler Mark Louie Masibag, Engine Cadet Marvin Lusica, Apprentice Cook Vincent Dela Peña, Apprentice Mate Jaydee Juntilla, Apprentice Mate Mark Suarez at Engine Cadet Raneso Macapaz.

Pito naman ang buhay at nakaligtas sa trahedya na sina Chief Mate Roger Polo, 2nd Engr. Junmar Galeos, A/B Arjie Bacarra, A/B Felipe Quebuen, App/Mate John Renzo Guanzon, App/Mate Noli Labucay at App/Mate Joejie Villanueva.

Ang mga binawian ng buhay ay sina Chief Engineer Michael Inoc, Electrician Norman Galon, Oiler Jose Sherwin Laniba, Oiler Lemuel Dadivas, A/B Clearing Officer Mark Evan Cuesta at App/Mate Clint Auxtero.

Noong Biyernes, Abril 30, 2021, hinila na ng tugboat ang LCT Cebu Great Ocean papuntang Consolacion, Cebu matapos itong napalutang ng registered salvor na si Raul Basmayor, labing isang araw mula ng ito’y sumadsad sa dalampasigan ng Cantapoy, Malimono. (RPN DXKS Surigao exclusive report)

Related posts

Negros Occidental-Based Former Rebel Group Gets ₱25-M Infra Projects

RPN

Davao City Opens On-Line Application On Cash- For- Work For Affected Workers

RPN

Bacolod Village Councilor, 3 Others Charged For SAP Irregularity

RPN