Oil price rollback kasado na bukas

0
46

Nagpatupad narin ng oil price rollback ang ilang independent oil companies sa bansa.

Ayon sa Seaoil Philippines at Unioil Petroleum Philippines, aabot sa 80 centavos ang itatapyas nila sa kada litro ng gasolina, 60 centavos naman sa kada litro ng diesel at 20 centavos naman ang mababawas sa kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibong ipinatupad ng Seaoil at Unioil ang oil price adjustment, kaninang 2:00 ng hapon.

Inaasahan namang susunod na magpapatupad ng rolbak ang iba pang kumpanya ng langis bukas, October 14.