Oil price hike muling nakaamba sa susunod na linggo

0
60

Muling nakaamba ang isa pang round ng taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Epektibo ngayong darating na Martes, Enero 22 ang tinatayang trenta hanggang kwarenta sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng diesel.

Habang nasa sampu hanggang bente sentimos naman ang taas presyo sa kada litro ng kerosene.

Samantala, inaasahan namang hindi gumalaw ang presyo ng gasolina.

Ito na ang ikatlong linggo ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo matapos magdesisyon ang OPEC o Organization of the Petroleum Exporting Countries na limitahan ang produksiyon ng langis.