Oil price hike inilarga ngayong araw

0
63

Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.

Epektibo alas-6:00 ngayong umaga, nagtaas ng bente singko sentimos (P0.25) kada litro ang presyo ng gasolina at bente sentimos sa kada litro ng diesel.

Habang diyes sentimos (P0.10) naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas ng mga kumpanyang Seaoil, Caltex, Flying V, Shell at Petron.

Samantala, una nang nagpatupad ng taas presyo ang Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Ang nasabing taas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagmahal ng imported na langis sa world market.

—-