Oil price hike aarangkada na

0
17

Aarangkada na ngayong araw simula ala-6 ng umaga ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P0.85 ang madaragdag sa kada litro ng gasolina.

Habang P0.50 naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene.

Asahan rin ang P7.00 hanggang P8.00 sa kada 11 kilogram na tangke ng liquified petroleum gas (LPG).

Samantala, ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng dagdag sa presyo ng imported na langis sa pandaigdigan merkado.