Monday, May 6, 2024

Oil painting na ninakaw ng Nazi nuong WW2 ibabalik na sa Italy

- Advertisement -

Isasauli na ng German Government sa bansang Italy ang ninakaw na Obra ng Dutch Artist na si Jan Van Huysum na “Vase of Flowers”

Ito’y kasunod ng inilabas na apela ng Uffizi Gallery Director na si Eike Scmidt ng Italy sa Germany na ibalik na ang nasabing Obra

Magugunitang ninakaw ng mga tropa ng Nazi ni Adolph Hitler ang nasabing painting sa kasagsagan ng World War 2 nuong 1943

Ayon kay German Foreign Minister Heiko Maas, tutulak sila sa Florence kasama ang Italian Counterpart nito upang i-turn over ang nasabing oil painting sa Uffizi Gallery

Ang Vase of Flowers ay bahagi ng Pitti Palace Collection sa Florence mula 1824 hanggang sa sumiklab ang World War 2 nuong 1939

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img