31.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

OIC manager ng KAPA, natagpuan na

- Advertisement -

TUPI, SOUTH COTABATO – Natagpuan na ang OIC Manager ng KAPA Alabel Branch na kinilalang si Remely Iral, na umano’y dinukot sa Barangay San Isidro, sa General Santos City noong Enero 22, 2020.

Batay sa imbestigasyon ng Tupi Police Station, nakita siya ng isang gwardiya sa Purok Bagong Silang, Barangay Kablon kaninang madaling araw na nakaposas at humihingi ng tulong sa isang bahay sa lugar. May mga sugat siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi umano ng biktima dinala siya sa gitna ng plantasyon ng pinya ng hindi kilalang mga kalalakihan at pinagsasaksak. Nang iniwan na siya ng mga ito, naglakad siya sa pinakamalapit na bahay at humingi ng tulong doon.

Natagpuan naman sa plantasyon ng pinya ang isang piraso ng karton na may nakasulat para sa founder ng KAPA International Ministries, Incorporated at bakas ng dugo.

Nasa pagamutan na ang biktima, habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya. Nakipag-ugnayan na rin ang Police Station 4 ng GenSan para sa imbestigasyon.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -