28.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

OFW na pinatay sa Kuwait nakitaan ng seksuwal na pang-aabuso

- Advertisement -

Nakitaan ng malinaw na indikasyong nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso ang nasawing pinay domestic worker na si Jeanelyn Villavende sa Kuwait.

Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra batay sa resulta ng isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation sa katawan ni Villavende.

Dagdag ni Guevarra, nakitaan rin ng mga luma at papagaling nang sugat Villavende na indikasyon namang nakaranas na ito ng mga pambubugbog, ilang linggo bago ito nasawi.

Sinabi ni Guevarra, pormal na isusumite ng NBI sa kanyang tanggapan ang resulta ng autopsy sa Lunes.

Nasawi si Villavende sa kamay ng kanyang employer, 5 buwan lamang matapos itong umalis ng Pilipinas patungong Kuwait.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -