Tuesday, May 7, 2024

NYC sinigurong di nila pondo ang ginagamit ng Duterte Youth sa kampanya

- Advertisement -

Tiniyak ng National Youth Commission o NYC na hindi nila pondo ang ginagamit sa kampanya ng Duterte Youth Party-list para sa eleksyon.

Ayon kay Ronald Cardema, Chairman ng NYC, kaya lamang naging first nominee ng Duterte Youth ang asawa niyang si Ducielle Marie ay dahil wala agad silang maisip na pangalan nang maghain sila ng certificate of candidacy.

Sa katunayan, posible aniyang umurong na bilang first nominee ng grupo ang kanyang asawa bago mag-eleksyon.

Una nang nanawagan sa Commission on Elections (Comelec) nang grupong Kontra Daya na imbestigahan si Cardema dahil sa conflict of interest dahil chairman ito ng NYC.

Iginiit rin ng Kontra Daya na dapat magbitiw o maghain ng leave of absence bilang NYC Chair si Cardema kung mangangampanya ito para sa Duterte Youth.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img