33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

NWRB: Sapat ang tubig sa Angat Dam sa kabila nang pagtaas ng konsumo sa gitna ng ECQ

- Advertisement -

Sapat ang tubig sa Angat dam sa kabila nang pagtaas ng konsumo sa gitna na rin ito ng enhanced community quarantine (ECQ)  sa Luzon.

Ayon ito kay Sevillo David, Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB )matapos tukuyin sa 192.95 ang water level ng angat dam ngayong araw n ito o mas mataas sa minimum operating level nitong 180 meters.

Sinabi ni David na maituturing nang medyo kumportable ang antas ng tubig ngayon sa Angat Dam para mapunan ang pangangailangan sa metro manila partikular sa panahon ng ECQ.

Ipinabatid ni David na inaasahan nilang magsisimula “on time” o tamang panahon ang panahon ng tag ulan kumpara nuong 2019 kung kailan apektado ng El Niño ang Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -