Nuggets pintaob ang Spurs

0
63

Tabla na sa standings ang Denver Nuggets at San Antonio Spurs makaraang pataubin ng Nuggets ang Spurs sa kanilang laban na nagtapos sa iskor na 117 – 103.

Kapwa nakasikwat na ng tig-dalawang panalo ang parehong koponan sa kanilang game 4 ng NBA playoffs series.

Kumamada ng 29 na puntos si Nikola Jokic ng Nuggets na siyang nanguna sa kanilang pagkapanalo.

Nag-ambag din ng 24 na puntos si Jamal Murray habang 18 puntos naman ang naitala ni Torrey Craig.

Samantala, bigo mang manalo ay nakapagtala pa rin ng 24 na puntos si Lamarcus Aldridge at 19na puntos si Demar Derozan sa kampo ng Spurs.

Sunod namang maghaharap ang dalawang koponan para sa kanilang game 5 sa darating na Miyerkules.

—–