NU back-to-back champions sa UAAP Season 82 cheerdance competition

NU back-to-back champions sa UAAP Season 82 cheerdance competition

by Powered by DWIZ
19 views

Nasungkit muli ng National University (NU) sa ikalawang sunod na taon ang pagkampeon sa UAAP Season 82 cheerdance competition na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ang Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) cheerdance competition ay isang kompetisyon ng iba’t-ibang cheerleading squads ng mga unibersidad sa bansa.

Unang nagtanghal ang eskwelahan ng De La Salle, kasunod ang UE, UP, Ateneo, Adamson, FEU, UST at pinakahuli ang NU.

Bagamat huli ang NU nagtanghal ay kumpiyansa ang mga ito na mananalo muli sa kanilang tema na “Pinoy Pride”.

Magugunitang itinanghal rin bilang kampeon ang naturang unibersidad sa UAAP cheering competition noong isang taon.

0 comment

Related Posts