NTC papayagan pa ring makapag-broadcast ang ABS-CBN kahit mag-expire ang franchise

0
18

Papayagan pa rin ang ABS-CBN na makapagpatuloy ng kanilang operasyon kahit mag-expire na ang kanilang prangkisa sa May 4.

Ipinabatid ito ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba bilang pagsunod sa payo ng DOJ at kongreso na payagan ang ABS-CBN na magpatuloy sa kanilang pagbo-broadcast.

Sinabi ni Cordoba na magpapalabas sila ng provisional authority sa ABS-CBN.