NTC inulan ng papuri dahil sa maganda at mahusay na pagseserbisyo

0
48

Umani ng papuri ang National Telecommunications Commission o NTC dahil sa maganda at maayos na pagseserbisyo nito

Ibinahagi ni DICT o Department of Information and Communications Technology Acting Sec. Eliseo Rio Jr sa kaniyang facebook account ang dokumento mula sa CSC o Civil Service Commission

Nakasaad duon ang pagbati kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba dahil sa mahusay at matinong pamamahala nito sa kaniyang nasasakupan

Nag-Ugat ito sa ipinaabot na papuri sa contact center ng bayan ng isang Sam Florentino na kamakailan lang ay kumuha sa NTC ng Radio Operator Examination

Nabatid na dumaan si Florentino sa Internal Process ng ahensya para sa nasabing pagsusulit at namangha umano ito dahil sa maayos na sistemang ipinatutupad duon

Sa panig naman ng CSC, umaasa si Direktor Ma. Luisa Agamata na magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga tanggapan ng gubyerno ang naging komendasyon ni Florentino para pag-ibayuhin ang kanilang serbisyo