NPA tinawag na traydor ng militar

0
40

(Presidential Photo)

Tinawag na traydor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang New People’s Army (NPA).

Sa harap ito ng claim ng NPA na mayroon silang labing anim (16) na ‘prisoners of war’ na kinabibilangan ng dalawang sundalo.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal, mismong ang NPA pa ang nagdeklara ng tigil putukan ngayong Kapaskuhan subalit sila rin ang naunang lumabag sa kanilang deklarasyon.

Binigyang diin ni Madrigal na tama lamang na hindi sila nagtiwala sa NPA at hindi sila nagdeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan.

Ipinag-utos na rin ni Madrigal ang imbestigasyon kung paano nalusutan ng NPA ang tropa ng pamahalaan nang umatake sila sa Barangay New Tubigon Sibagat, Agusan del Sur.

—-