Northport Robert Bolick itinuturing na isang hamon sa kanyang katatagan ang tinamong injury

0
21

Aminado si Northport Guard Robert Bolick na kinakailangan ng ibayong pagsisikap upang makarekober mula sa kanyang ACL injury.

Ayon kay Bolick, malaki aral aniya ang ibinigay ng injury na ito sa kanya bilang isang PBA player.

Pahayag ni Bolick, isang hamon ito na ibinigay sa kanya ng Diyos bilang isang basketball player kaya’t patuloy aniya siyang lalaban at magpapakatatag.

Nagtamo ng ACL injury ang Batang Pier point guard sa laban nila sa San Miguel noong October 23 ng nakalipas na taon.

Sumailalim na aniya sya sa surgery at patuloy ngayong nagpapagaling sa habang nasa bahay.