2 nanamang health workers mula Bicol nagpositibo sa COVID-19

0
13

Dalawa nanamang health workers ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health Center for Health Development, nagmula ang dalawang ito sa Bicol Region.

Ito ang dahilan kaya’t umakyat na sa 59 ang total number ng confirmed cases sa rehiyon.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa Daraga, Albay ang 48-year-old Pilipina nurse na si patient 58 na close contact naman ng isa pang COVID-19 patient.

Asymptomatic umano ang pasyente at naka-confine ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

Asymptomatic naman ang kaso ni patient 59, na isang 27-year-old Pilipino utility worker mula Ligao City, Albay.

Base sa datos, apat na ang nasawi sa rehiyon ng Bicol at 35 naman ang nakarekober o gumaling na.