Non-essential travel palabas ng bansa sinuspinde muli ng IATF

0
18

Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang non-essential travel palabas ng bansa.

Ito ay matapos na iisang insurance company lamang ang pumayag na magbigay ng travel and health insurance sa mga Pilipino.

Nilinaw naman Presidential Spokesperson Harry Roque, na hindi kasali sa travel ban ang mga may kumpirmadong flight hanggang ika-20 ng Hulyo basta’t nakakasunod sa protocol ng pamahalaan.

Aniya, sakaling makansela o ma-ospital kasi ang isang biyahero ay sakop ng rebooking at accommodation expenses ang pagkakaroon ng travel at health insurance.

Samantala, nilinaw rin ni Roque na ang mga pupuntahang bansa ay kailangang may no-entry ban sa mga Pilipino at kailangan din umanong kumuha ng deklarasyon ang mga bibiyahe na nagsasaad na batid nito ang panganib sa kanilang paglabas ng bansa.