Nominasyon para sa susunod na CJ ng SC sarado na

0
56

Sarado na ang pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa magiging susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Ayon kay JBC ex-officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, sa pagtatapos ng aplikasyon at pagtanggap ng nominasyon, mayroon lamang limang aspirante para sa nabanggit na posisyon.

Kabilang aniya dito sina Supreme Court associate justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas – Bernabe at Andres Reyes.

Magugunitang nabakante ang posisyon ng Punong Mahistrado kasunod ng pagreretiro ni dating Chief Justice Teresita De Castro noong Oktubre 10.