‘No touch policy’ kay Duterte ipatutupad ng PSG

0
23

Ipatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante III, ang naturang hakbang ang napagkasunduan para maingatan ang pangulo laban sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Maliban pa aniya sa pangulo, mahigpit din nila umanong babantayan ang first family.

Dagdag pa ni Durante, bilang bahagi rin ng preventive measure, sasailalim sa screening at testing sa anumang uri ng sakit na may kaugnayan sa COVID-19 ang lahat ng PSG at sinumang personalidad o pulitiko.