No to prank calls or false information โ€“ Baguio City Fire Station

0
25
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nanawagan ang ๐๐š๐ ๐ฎ๐ข๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ž ๐ฌ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง sa publiko na huwag mga kalokohang tawag sa mga bumbero.

Sinabi ng tagapagsalita ng Baguio City Fire Station na ang paggawa ng mga kalokohang tawag ay naglililis sa mga mahahalagang gawain tulad ng pagtugon sa tunay na emergency at naglalagay sa panganib ng buhay. Anya ang mga bumbero ay naitalaga upang pangalagaan ang kommunidad at ang mga kalokohang tawag ay isa lamang pagaaksaya ng kanilang panahon ngunit maaring humantong sa seryosong kalalabasan ng tunay na situasyon ng krisis.

Bilang karagdagan, ang lahat ay pinaaalalahanan na dapat umintindi ng kahalagahan ng responsableng pakikipagtalastasan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. everyone to understand the ultimate importance of responsible communication in ensuring safety for all. Sa ilalim ng Ordinance 29-2004, ipinagbabawal ang gumawa ng tinatawag na โ€œprank callโ€ o mag send ng prank text message sa kahit anong serbisyong pang emergency.

Ang mga ipinagbabawal na iyon ay katulad ng mga sumusunod:
a. Mag prank call o mag padala ng prank text message sa mga emergency number.

b. Tumawag o mag send ng text message sa mga emergency number upang magbigay ng mga pekeng impormasyon.

c. Tumawag o mag send ng text message sa mga emergency number at hayaang naka-hang ang line upang hindi gumalaw ang line na tinawagan.

d. Tumawag o mag send ng text message sa emergency number at gumamit ng mga malalaswang salita.

e. Tumawag o mag send ng text message sa emergency number at gumamit ng mga bulgar o malaswang salita upang mang-insulto at lokohin ang kausap sa telepono.

Kapag napatunayang nagkasala, ang prankster ay mapaparusahan ayon sa sumusunod:

i. Ika-unang paglabag -ang pagkakulong sa loob ng sampung (10) araw

ii. Ikalawang paglabag -ang pagkakulong sa loob ng tatlumpung (30) araw

iii. Ikatlong paglabag โ€“ ang pagkakulong sa loob ng anim na pung (60) araw.
(Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO-Baguio)

Leave a Reply