34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

No Shoes, No Entry sa Baguio City Health Service Office, iniimbestigahan

- Advertisement -

Baguio City – Kasalukuyang iniimbestigahan ng Baguio City Health Services Office kaugnay sa alegasyon ng isang residente ng lungsod ng Baguio kung saan hindi siya diumano pinapasok ng security guard ng nasabing opisina dahil sa naka-tsinelas ito.

Ayon ka Dra. Celia Flor Brillantes, ang Officer-In-Charge ng BCHSO, nakita niya umano ang post na may pamagat na “NOTI BOGUEN” sa social media kung saan nakadetalye ang pagpunta nila ng mag ina sa BCHSO, T. Alonzo St. upang magpa antigen test dahil sa hindi sila makatulog dahil sa pag ubo.

Noong nasa information desk na sila, hinabol diumano sila ng isa sa mga security guard na pinagtanungan nila kung ano ang pakay nila at sinabi ng netizen na magpapa antigen test.

Sinabi ng guwardia na walang antigen testing kahit na tinananong niya ang officer-on-duty at sumagot ito na mayroon.  Ngunit sinabi pa rin ng guwardia sa harap mismo ng officer-in-charge (desk) na hindi pa rin pinapasok sa health Center dahil umano sa naka-Tsinelas sila.

Ngunit sa follow up ng media sa kay Dr. Brillantes noong araw na Pebrero 21, 2023 ay wala sa patakaran ng naturang opisina ang magbawal magtsinelas.

Kanyang ipinaliwanag na ipinagbabawal ang mga maiikling short pants, sexy clothes at sleeveless o ang pagsusuot ng nakakatuksong pandadamit o indecent clothings.

Kahit naka paa paa ay maaring pumasok sa nasabing opisina. Kanyang idinagdag hindi nila palalampasin ang nasabing isyo at kanila itong bubusiin ang totoong pangyayari. (Joel Cervantes, photo courtesy of Lyn de los Reyes’ file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -