No Quarantine Protocols, Ipinatutupad Na Sa Bayan Ng Jose Panganiban

0
76

Pormal nang ipinalabas noong March 4, 2021 ni Jose Panganiban Mayor Ariel Non ang kanyang Executive Order No. 013-1T-2021 o “An Order Adopting The IATF’s Uniform Health and Safety Protocols for Travellers in the Municipality of Jose Panganiban, Camarines Norte.”

Kaugnay ng pagpapatupad ng naturang kautusang tagapagpanap ay kinakailangan na sundin ang mga sumusunod na alituntunin:

  •  Kailangan pa rin ang Travel Pass mula sa Provincial Government gamit ang www.camnortetravelpass.com
  • Required pa rin ang Negatibong Resulta ng RT PCR (SWAB) o RAPID TEST maliban kung nabakunahan na laban sa COVID-19;
  • Hindi na kailangan ang Letter of Acceptance, maliban kung ito’y requirement ng panggagalingang LGU;
  •  Hindi na rin kailangan ang Barangay Certificate, Medical or Health Certificate at Travel Authority mula sa Joint Task Force COVID Shield (PNP);
  •  Ang lahat ng uuwing residente ng Jose Panganiban na hindi magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ay HINDI na kailangang sumailalim sa 14 Days na QUARANTINE.

(Source: LGU San Jose Panganiban)

Leave a Reply