‘No contact rule’ sa pagpapatupad ng quarantine ordinances iminungkahi

0
28

Iminungkahi ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng ‘no contact policy’ laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa na may kaugnayan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang komprontasyon sa pagitan ng mga awtoridad at pulisya, tulad ng kinasangkutan nina Police SMSgt. Roland Madrona at Spanish national Javier Salvador Parra sa isang exclusive subdivision sa Makati City.

Nag-ugat umano ang insidente sa hindi pagsusuot ng face mask ng kasambahay ni Parra.

Giit naman ni Guanzon, malinaw sa nangyari na kulang pa sa training at hindi malinaw sa pulis kung ano ang papel niya o tungkulin niya sa implementasyon ng lockdown.