Nikola Vucevic ng Orlando Magic hindi muna makakapaglaro dahil sa injury

0
14

Hindi muna makakapaglaro ang basketball player na si Nikola Vucevic ng Orlando Magic dahil sa natamo nitong right ankle injury.

Ayon sa mga opisyal ng Magic, isinailalim sa MRI ang manlalaro at dito nakita ang injury at kailangang dumaan sa re-evaluation matapos ang pito hangang 10 araw.

Nakuha ni Vucevic ang injury sa laro nito laban sa Toronto Raptors noong Miyerkules.

Pinangangambahan namang aabot sa apat na linggo ang pahinga ng manlalaro.

Samantala, magugunitang si Vucevic ang kasalukuyang may hawak ng titulong Eastern conference player of the week.