31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

NFA hinimok na tapatan ang presyo ng mga rice traders sa pagbili ng palay

- Advertisement -

Hinimok ni Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin ang National Food Authority (NFA) na tapatan ang mataas na presyo ng rice traders sa pamimili ng palay ng mga magsasaka ngayong anihan.

Sinabi ni Garbin na dapat ding ibenta ang bigas sa murang halaga sa mga pamilihan.

Binigyang diin ni Garbin na sa pamamagitan ng buy high, sell low tactic matutulungan ng NFA ang mga magsasaka, consumers at mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng murang bigas para maipamahagi sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon pa kay Garbin ang price difference ay maituturing na consumer subsidy batay na rin sa Bayanihan Act at sa safety net provisions ng train law.

Dapat aniyang pakyawin na ng LGU’s sa mga sitwasyong kailangan ng agarang mapagkukunan ng relief goods ang paninda ng mga tindahang malalapit sa kanilang mga barangay para matulungan pa rin ang kanilang constituents na nagtitinda at mga nasa bahay lamang dahil sa COVID-19 quarantine measures.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -