28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

New Zealand niyanig ng Magnitude 7 na Lindol

- Advertisement -

Naka-Antabay ngayon ang mga opisyal ng pamahalaan at residente ng New Zealand sa posibleng pagtama ng Tsunami sa kanilang lugar

Ito’y matapos yanigin ng magnitude 7.4 na lindol ang Hilagang bahagi ng kanilang bansa kaninang umaga

Batay sa datos mula sa USGS o United States Geological Survey, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 928 kilometro Hilagang Silangan ng Tauranga

Malapit ito sa Kermadec Island na nasa Hilagang Silangan ng New Zealand at may lalim na nasa 34 na kilometro mula sa Episentro

Bagama’t binawi na ng New Zealand Civil Defense Organization ang nasabing babala, hindi pa rin nagpaka-kampante ang mga taga-ruon at patuloy na nakikiramdam sa mga susunod na pangyayari

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -