Net worth ni Robredo tumaas, pumalo na sa P3.5-M

0
9

Pumalo sa P3.5-milyon ang 2019 net worth ni Vice President Leni Robredo batay sa kaniyang pinakahuling statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Tumaas ito ng P1.2-milyon mula sa kaniyang net worth noong nakaraang taon  na P2.3-milyon.

Batay sa SALN ni Robredo, makikita na ang paglaki ng kaniyang SALN ay dahil sa paglago sa kaniyang sariling ari-arian.

Idineklara din ni Robredo na ang kaniyang cash on hand ngayong 2019 ay nasa P8,576,478 —malaki ito kumpara sa P7,351,430 noong 2018.