Negosyanteng napatay sa EDSA shooting posibleng matagal nang may banta sa buhay

0
48

Posibleng matagal nang may banta sa kanyang buhay ang napatay na negosyanteng si Jose Ruiz Yulo.

Lumakas ang anggulong ito matapos maka-recover ng kalibre trenta’y otsong baril ang awtoridad sa van ni Yulo na loaded at may extra pang 12 rounds ng bala.

Ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong PNP, natuklasan rin nila na labing apat (14) na kaso ng paglabag sa bouncing check law si Yulo.

Lumabas rin aniya sa paunang imbestigasyon na mayroong kinasuhan ng grave threat si Yulo.

Sinabi ni Villaceran na ilan sa fina-follow up ngayon ng special investigation task force ay kung bakit may baril sa van si Yulo gayung umiiral ang gun ban at kung matagal nang may banta sa kanyang buhay.

—-