Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Negosyanteng Bicolana Nagpabilib Sa Singapore

Kabilang sa ’30 and UNDER YOUNG ASIA TO WATCH’ ang Pinay Cacao Farming Advocate na si Louise Emmanuelle Mabulo ng Camarines Sur, Bicol.

Sa nilabas na listahan ng The Straits Times sa Singapore kamakailan, kinilala ang 21-anyos na si Mabulo bilang Social Entrepreneur at kabilang ng iba pang tinawag na game-changer sa Asya.

Hindi lang siya negosyante, chef rin siya at public speaker, pero bukod dito hinangaan din ang pagtatag niya sa The Cacao Project upang matulungan ang mga magsasaka sa San Fernando na malubhang naapektuhan ang mga kabuhayan nang manalasa ang bagyong ‘Nina’ noong 2016.

“The project provides participants with cacao seedlings, which are climate-resilient and lucrative, and trains them to farm responsibly and sustainably. More than 200 farmers have benefited from the project, which saw some 80,000 cacao trees planted, along with short-term crops as bok choy and okra” paglalahad ng The Straits Times.

Hindi lang ito ang unang beses na kinilala si Mabulo dahil noong 2019 ay ginawad sa kanya ang ‘Young Champion of the Earth’ ng UN Environment Programme.

(Source: Bicol News)

Related posts

8 nabbed, P2.7-M shabu seized in 2 NegOcc cities

RPN News

Unang kaso sa Covid-19 giatiman sa NMMC

RPN News

Kaso sa COVID- 19 sa Dakbayan kalit misaka gumikan sa nadugang nga Test Kits sumala ni Dr Ricardo Audan sa SPMC

RPN News