29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

NDRRMC: Mga gagamiting evacuation centers sa pagtama ng bagyong Ambo dapat magpatupad ng social distancing

- Advertisement -

Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit pa ring ipatupad ang social distancing sa mga evacuation center sakaling kailanganin ito sa pananalasa ng tropical storm Ambo.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, kailangan na rin maghanda ang mga lokal na pamahalaan ng alternative evacuation center.

Ani Timbal karamihan kasi ngayon sa mga paaralan ay naging quarantine facilities ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient.

Hindi na umano ito maaaring gamitin para gawing evacuation center.

Kaugnay nito, ipinaalala rin ni Timbal ang palagiang pagsusuot ng face mask sa mga evacuation center.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -