NDRRMC inalerto ang publiko matapos ang “crater glow” na nakita sa Mayon Volcano

0
21

Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko matapos makitaan ng “crater glow” ang Mayon Volcano.

Batay kasi sa pinakahuling obserbasyon ng PHIVOLCS, posibleng dahil sa mainit na magma sa ilalim ng bulkan ang crater glow na tahimik na umaakyat.

Gayuman nananatili pa ring nasa alert level 2 o moderate level of unrest ang mayon.

Huling sumabog ang mayon sa Bicol noong 2018.