NDFP peace consultant Randall Echanis natagpuang patay sa bahay sa QC

0
31

Natagpuang patay ang aktibistang si Randall “Randy” Echanis sa Quezon City.

Ayon sa Anakpawis, si Echanis, 72 taong gulang, at peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ay pinatay kasama ang hindi nakilalang kapitbahay nito sa inuupahang bahay sa Novaliches.

Sinabi ni dating Anakpawis Representative Ariel Casilao na sumasailalim sa gamutan si Echanis at walang armas nang pasukin ng mga pulis ang kaniyang bahay.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Casilao sa pamilya ni Echanis na chairperson ng Anakpawis at deputy secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Lumalabas sa ibang report na si Echanis ay natagpuang patay matapos makitang limang kalalakihan ang lumabas sa kaniyang bahay.

Tinawag namang ‘cold blooded murder’ ni NDFP negotiating panel legal consultant Edre Olalia ang nangyari kay Echanis na biktima ng pag-atake ng aniya’y ‘dark forces’.