NCRPO nakaantabay sa ikinasang transport holiday ng TNVS ngayong araw

0
49

Tiniyak ng NCRPO o National Capital Region Police Office na nakaantabay sila sa ikinasang transport holiday ng iba’t ibang grupo ng mga drivers at operators ng TNVS o Transport Network Vehicle Services ngayong araw.

Sa ipinalabas na pahayag ng NCRPO, babantayan at bibigyang seguridad nila ang mga lugar na paggaganapan ng kilos protesta ng mga TNVS groups.

Nagsasaayos na rin aniya sila ng mga alternatibong masasakyan para sa mga maaapektuhang pasahero ng tigil pasada ng mga TNVS drivers at operators.

Una na ring nagbigay ng pahayag si Grab Philippines President Brian Cu kung saan tutol aniya sila sa ikinasang tigil pasada.

Sinabi ni Cu na mas makakabuti kung idadaan sa maayos na usapan ang mga inilahad na hinaing ng mga TNVS drivers at operators laban sa LTFRB.