Dapat na i-lockdown sa loob ng isang linggo ang national capital region (NCR).
Ito ang ipinapanukala ngayon ni Albay Rep. Joey Salceda para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVD-19) sa bansa.
Sa ngayon sumampa na kasi aniya sa sampu ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa ng mambabatas, lahat kasi ng indibidwal ngayon sa NCR ay maaring tamaan ng virus kaya’t marapat lamang na isolate ang buong NCR.
Kaugnay nito, itinutulak din ni Salceda ang suspensyon ng klase sa mga paaralan, work suspension, pagpapahinto sa mga biyahe ng bus, domestic flights at ang pagpapasara sa SLEX at NLEX.