NBI may persons of interest na sa ‘Sta. Rosa Laguna abduction’

0
83

May natukoy nang persons of interest ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagdukot sa negosyanteng si Allan Lumbres Fajardo, dating assistant ng napatay na mayor ng Tanauan Batangas, Antonio Halili.

Gayunman, tumanggi muna si NBI Special Action Unit Executive Director, Kristine Dela Cruz na magbigay ng impormasyon upang hindi masira ang kanilang operasyon.

Ayon kay Dela Cruz, napag-alaman nilang may katagpo dapat si Fajardo sa restaurant sa Sta. Rosa Laguna kung saan siya dinukot subalit hindi ito sumipot.

Sa ngayon ay ay isinasalang na sa forensic examination ang sasakyan ni Fajardo na naiwan sa labas ng restaurant upang makakuha ng fingerprints.

Ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay sa isinasagawa ring imbestigsyon ng Laguna Police.

—-