NBI kasalukuyang tinatapos ang parallel investigation sa Batocabe slay

0
52

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na kasalukuyang tinatapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang isinagawang parallel investigation kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe.

Ito’y sa kabila nang ipinalabas ng pahayag ng Philippine National Police (PNP) kung saan isinasangkot si Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa nasabing krimen.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Gueverra, pinaplantsa na ng NBI ang kanilang investigation report kung saan inaasahang ipapalabas sa mga susunod na araw.

Matatandang sinabi ng NBI sa kanilang paunang report kay Gueverra na hindi nila isinasantabi ang anggulong may kaugnayan nga sa pulitika ang motibo sa pagpaslang kay Batocabe.

Samantala sinabi ni Guevarra na nasa desisyon naman ng PNP at gayundin ng pamilya Batocabe kung saan nila nais ihain ang kaso laban sa mga akusado.