NBI inatasan ng CA iprisinta ang umano’y Abu Sayyaf member

0
47

Inatasan ng Court of Appeals (CA) ang National Bureau of Investigation (NBI) na i-prisinta sa korte ang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf na naaresto ng mga otoridad ngayong Marso.

Sa inilabas na writ of habeas corpus ng CA Ninth Division, ipinag-utos nito sa NBI na iprisinta sa korte ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf na si Salahim Hairal Dawani at ipaliwanag ang dahilan nang pagkakaaresto nito.

Ito ay kaugnay ng naging paratang ng asawa ni Dawani na inaresto umano ng NBI ang kaniyang asawa ng walang warrant of arrest at nang hindi man lang ipinapaliwanag dito ang dahilan nang pagkakaaresto.

Matatandaang, isinasangkot ng mga otoridad si Dawani sa nangyaring kidnapping sa Golden Harvest Plantation sa Basilan noong 2001.