NBI iimbestigahan na din si Pimentel

0
20

Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Koko Pimentel at apat pang lokal na opisyal sa umano’y paglabag sa quarantine guidelines sa ilalim ng bayanihan to heal as one act.

Ito ay matapos na batikusin ng publiko ang NBI at ilang opisyal ng gobyerno sa naunang paghingi ng paliwanag kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa umano’y paglabag nito sa bagong batas kaysa sa senador na lumabag sa quarantine protocol.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge Eric Distor, hihingan narin nila ng paliwanag ang senador oras na matapos na ang laban nito sa COVID-19.

Samantala, magugunitang sinabi kailanlamang ni justice Secretary Menardo Guevarra na papahupain ng DOJ ang hagupit ng batas para sa katulad ni Pimentel na may human compassion o kahabagan.